Ang Ang Bible: Pinoy Version na binubuo ng Old at New Testament ay ayon sa standard ng United Bible Societies (UBS). Ito ay faithful sa textual base: ang Biblia Hebraica Stuttgartensia at UBS Greek New Testament 5th edition. Kung mapapansin na may pagka-informal ang heterogeneous language na ginamit dito, dahil yan sa pag-mix ng Tagalog at English. Pero naging maingat ang mga translators at siniguradong hindi mawala ang paggalang sa Salita ng Diyos. Sa totoo lang, maririnig ang Pinoy variant sa mga formal events ng mga nagsasalita ng Filipino o Tagalog-sa mga sermon, sa mga business meeting, sa mga TV interview, sa mga political na usapan, at iba pa-lalo na kung oral. Ito kasi ang variant ng Filipino na natural gamitin. Kaya ito din ang kina-capture ng Pinoy Version para mas maintindihan ng mga intended reader.
Isa itong interconfessional project na pinagtulungan ng iba't-ibang mga religious group base sa Guiding Principles for Interconfessional Cooperation in Translating the Bible, na pinagkasunduan ng Secretariat for Promoting Christian Unity at ng United Bible Societies noong 1968. Meaning-based ang approach na ginamit sa Pinoy Version; ang kahulugan ng source text ang pinapalabas at hindi ang form.
Ang bawat Bible translation ng PBS ay hindi tinatrabaho nang solo dahil ang language gift ng Diyos ay communal. Kaya bukod sa team ng mga translator, maingat din na nagkaroon ng mga series ng check sa community, review ng mga expert sa wikang Filipino, at consultation sa mga scholar ng biblical languages. Kaya naman sa tulong ng ating mapagpalang Diyos, narito na ang pinakabago at mapagkakatiwalaang Bible para sa mga Pilipino!
Sa Panginoong Diyos ang lahat ng papuri!