Ang Shakeet Talaga Bes!

125.00

By: Boodz Burce

Para sa mga nasaktan na at sa’yo na masasaktan pa lang: Kumusta ang puso mo? Hindi ko ito sinulat para ‘di ka na muling masaktan, kundi para malaman mong masasaktan ka na naman at hindi mo ‘yan kayang iwasan! Lagi kang masasaktan, pwedeng hindi mo sinasadya, o hindi nila sinasadya. Pwedeng kasalanan ng iba o dahil sa sarili mong palo. Ngunit hangga’t tumitibok pa ang puso mo, may pag-asa ka pa. Pwede ka pang lumaban, magsimula ulit at kaya mong magtagumpay…. ~Boodz Burce

Description

Description

Product Description:

Para sa mga nasaktan na at sa’yo na masasaktan pa lang:

Kumusta ang puso mo? From time to time kailangan itong i-check dahil lagi itong ginagamit, wala itong tigil sa pagtibok. Ginagamit mo ‘yan kapag nagagalit, nalulungkot, natutuwa, naaawa at siyempre kapag umiibig. In fact, sa Bible laging usapan ang puso, may wholehearted, mayroong half-hearted at mayru’n ding walang puso….

Hindi ko ito sinulat para ‘di ka na muling masaktan, kundi para malaman mong masasaktan ka na naman at hindi mo ‘yan kayang iwasan! Lagi kang masasaktan, pwedeng hindi mo sinasadya, o hindi nila sinasadya. Pwedeng kasalanan ng iba o dahil sa sarili mong palo. Ngunit hangga’t tumitibok pa ang puso mo, may pag-asa ka pa. Pwede ka pang lumaban, magsimula ulit at kaya mong magtagumpay….

As a pastor, nag-aalaga ako ng mga tao, ganu’n kasi ang church, may tinatawag na “discipleship”. Kadalasan kapag may mga taong bumabagsak siguradong puso ang madalas na dahilan. Kailangan talaga itong pag-usapan dahil sa ministry man o personal relationships, laging may naiiwanan at nasasaktan….

Kumusta ang puso mo? Ang shakeet ba talaga bes? Sa aklat na ito, pag-uusapan natin ang mga frustrations at heartaches na nagdala ng sakit sa ating damdamin. Kapag binasa mo ito, hindi lang dapat “relate” ang response mo kundi “I’m healed.” ‘Yun ang goal ng pagsulat ko, na ang bawat pahina ay magdala ng kagalingan sa damdamin mo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong Jesus na dakilang manggagamot natin!

Laging inaayos ng Diyos ang hugis ng puso natin, kaya’t tinawag ko ang aklat na ito na “ANG SHAKEET TALAGA BES! Pusong Discipleshape”.

About the Author:

Si Boodz Burce ay isang inspirational rock musician at songwriter, nakapag-release na sya ng dalawang CD Album ng kanyang ga likhang awit ang “Nothing Can Stop” at “Heto na naman tayo” kasama ang kanyang indie band noon na 66 BOOKS. Bahagi din siya ng programa sa 702 DZAS na “Tanikalang Lagot” bilang voice talent. Author si Boodz Burce ng isang booklet na kung tawagin ay “New Beginning” na ginagamit ng iba’t ibang churches sa consolidation o follow-up para sa mga bagong mananampalataya. Nagtapos sya ng AB Mass Communication Major in Broadcasting sa Centro Escolar University at kasalukuyang naglilingkod bilang pastor kasama ang kanyang maybahay na si Anna May at anak na si Psalm sa I Am, Redeemer and Master Evangelical Church Tinajeros.

Additional Info

Additional information

Weight 0.10 kg
Dimensions 18 x 11.5 x 0.6 cm
By

ISBN

Pages

115

Cover

Reviews (0)

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “Ang Shakeet Talaga Bes!”

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Cart

Pin It on Pinterest